Surah Ash-Shams - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
وَٱلشَّمۡسِ وَضُحَىٰهَا
At sa pamamagitan ng Araw at sa kanyang marilag na liwanag
Surah Ash-Shams, Verse 1
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا
At sa pamamagitan ng Buwan kung siya ay sumusubaybay sa kanya (Araw)
Surah Ash-Shams, Verse 2
وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا
At sa pamamagitan ng Maghapon kung ito ay nagpapamalas ng kasikatan (ng Araw)
Surah Ash-Shams, Verse 3
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰهَا
At sa pamamagitan ng Gabi kung ito ay lumulukob sa kanya (Araw)
Surah Ash-Shams, Verse 4
وَٱلسَّمَآءِ وَمَا بَنَىٰهَا
At sa pamamagitan ng Kalangitan (Alapaap) at sa Kanya na lumikha roon
Surah Ash-Shams, Verse 5
وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا طَحَىٰهَا
At sa pamamagitan ng Kalupaan at Siya na naglatag dito
Surah Ash-Shams, Verse 6
وَنَفۡسٖ وَمَا سَوَّىٰهَا
At sa pamamagitan ng Nafs (si Adan, o tao, o kaluluwa, atbp.), at Siya na lumikha sa kanya nang ganap at angkop na sukat
Surah Ash-Shams, Verse 7
فَأَلۡهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقۡوَىٰهَا
At Kanyang ipinamalas (sa inspirasyon) sa kanya kung ano ang tumpak at mali
Surah Ash-Shams, Verse 8
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن زَكَّىٰهَا
Katotohanang siya na nagpapadalisay ng kanyang sarili ay magtatagumpay (alalaong baga, sumunod at magsagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni 960 Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa Tunay na Pananalig at paggawa ng mga kabutihan)
Surah Ash-Shams, Verse 9
وَقَدۡ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا
At katotohanang siya na nagpapasama sa kanyang sarili ay mabibigo (alalaong baga, pagsuway sa mga ipinag-uutos ni Allah sa pamamagitan ng pagtatakwil sa Tunay na Pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan at paggawa ng mga kasalanan at kabuktutan)
Surah Ash-Shams, Verse 10
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِطَغۡوَىٰهَآ
(Ang pamayanan) ni Thamud ay nagtatwa (sa kanilang Propeta) sa pamamagitan ng kanilang paglabag sa kautusan (pagtatakwil sa Tunay na Pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan at paggawa ng lahat ng uri ng kasalanan)
Surah Ash-Shams, Verse 11
إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشۡقَىٰهَا
Pagmasdan! Ang pinakabuktot na tao sa kanilang lipon ay lumantad (upang patayin ang babaeng kamelyo na siyang ipinadala bilang Tanda ni Allah sa Kanyang Propetang si Salih)
Surah Ash-Shams, Verse 12
فَقَالَ لَهُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقۡيَٰهَا
Datapuwa’t ang Tagapagbalita ni Allah (Salih) ay nagturing sa kanila: “Maging maingat! Pangambahan ninyo ang masamang kahihinatnan. Iyan ay isang babaeng kamelyo ni Allah! (Siya ay huwag ninyong saktan) at huwag siyang pigilan na uminom!”
Surah Ash-Shams, Verse 13
فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمۡدَمَ عَلَيۡهِمۡ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمۡ فَسَوَّىٰهَا
Datapuwa’t sila ay nagtakwil sa kanya (bilang huwad na propeta), at kanilang binigti ito (ang babaeng kamelyo). Kaya’t ang kanilang Panginoon ay sumumpa sa kanilang mga kasalanan at winasak silang lahat (mayaman, mahirap, mahina, malakas, mga tahanan, atbp)
Surah Ash-Shams, Verse 14
وَلَا يَخَافُ عُقۡبَٰهَا
At Siya (Allah) ay hindi nangangamba sa anumang kahihinatnan nito (o sa susunod na magaganap)
Surah Ash-Shams, Verse 15