Surah Ash-Shams - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلشَّمۡسِ وَضُحَىٰهَا
Sumpa man sa araw at sa pang-umagang liwanag nito
Surah Ash-Shams, Verse 1
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا
sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon
Surah Ash-Shams, Verse 2
وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا
sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito roon
Surah Ash-Shams, Verse 3
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰهَا
sumpa man sa gabi kapag bumalot ito roon
Surah Ash-Shams, Verse 4
وَٱلسَّمَآءِ وَمَا بَنَىٰهَا
sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito
Surah Ash-Shams, Verse 5
وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا طَحَىٰهَا
sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito
Surah Ash-Shams, Verse 6
وَنَفۡسٖ وَمَا سَوَّىٰهَا
sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito
Surah Ash-Shams, Verse 7
فَأَلۡهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقۡوَىٰهَا
saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at ng pangingilag magkasala nito
Surah Ash-Shams, Verse 8
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن زَكَّىٰهَا
nagtagumpay nga ang sinumang naglinis nito [sa kasalanan]
Surah Ash-Shams, Verse 9
وَقَدۡ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا
at nabigo nga ang sinumang nagdumi nito [sa kasalanan]
Surah Ash-Shams, Verse 10
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِطَغۡوَىٰهَآ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd dahil sa pagmamalabis nito
Surah Ash-Shams, Verse 11
إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشۡقَىٰهَا
nang sumugod ang pinakamalumbay rito
Surah Ash-Shams, Verse 12
فَقَالَ لَهُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقۡيَٰهَا
Kaya nagsabi sa kanila ang sugo ni Allāh: "[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito
Surah Ash-Shams, Verse 13
فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمۡدَمَ عَلَيۡهِمۡ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمۡ فَسَوَّىٰهَا
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila at nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa]
Surah Ash-Shams, Verse 14
وَلَا يَخَافُ عُقۡبَٰهَا
At hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito
Surah Ash-Shams, Verse 15