Surah Al-Alaq - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ
Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha
Surah Al-Alaq, Verse 1
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِنۡ عَلَقٍ
lumikha sa tao mula sa isang malalinta
Surah Al-Alaq, Verse 2
ٱقۡرَأۡ وَرَبُّكَ ٱلۡأَكۡرَمُ
Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Napakamapagbigay
Surah Al-Alaq, Verse 3
ٱلَّذِي عَلَّمَ بِٱلۡقَلَمِ
na nagturo sa pamamagitan ng panulat
Surah Al-Alaq, Verse 4
عَلَّمَ ٱلۡإِنسَٰنَ مَا لَمۡ يَعۡلَمۡ
nagturo sa tao ng hindi nito nalaman
Surah Al-Alaq, Verse 5
كَلَّآ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَيَطۡغَىٰٓ
Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmalabis
Surah Al-Alaq, Verse 6
أَن رَّءَاهُ ٱسۡتَغۡنَىٰٓ
dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat
Surah Al-Alaq, Verse 7
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلرُّجۡعَىٰٓ
Tunay na tungo sa Panginoon mo ang panunumbalikan
Surah Al-Alaq, Verse 8
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يَنۡهَىٰ
Nakakita ka ba sa sumasaway
Surah Al-Alaq, Verse 9
عَبۡدًا إِذَا صَلَّىٰٓ
sa isang lingkod kapag nagdasal ito
Surah Al-Alaq, Verse 10
أَرَءَيۡتَ إِن كَانَ عَلَى ٱلۡهُدَىٰٓ
Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay
Surah Al-Alaq, Verse 11
أَوۡ أَمَرَ بِٱلتَّقۡوَىٰٓ
o nag-utos ng pangingilag magkasala
Surah Al-Alaq, Verse 12
أَرَءَيۡتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰٓ
Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya o tumalikod siya
Surah Al-Alaq, Verse 13
أَلَمۡ يَعۡلَم بِأَنَّ ٱللَّهَ يَرَىٰ
Hindi ba ito nakaalam na si Allāh ay tumitingin
Surah Al-Alaq, Verse 14
كَلَّا لَئِن لَّمۡ يَنتَهِ لَنَسۡفَعَۢا بِٱلنَّاصِيَةِ
Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan
Surah Al-Alaq, Verse 15
نَاصِيَةٖ كَٰذِبَةٍ خَاطِئَةٖ
isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali
Surah Al-Alaq, Verse 16
فَلۡيَدۡعُ نَادِيَهُۥ
Kaya tumawag siya sa kapisanan niya
Surah Al-Alaq, Verse 17
سَنَدۡعُ ٱلزَّبَانِيَةَ
Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno]
Surah Al-Alaq, Verse 18
كَلَّا لَا تُطِعۡهُ وَٱسۡجُدۡۤ وَٱقۡتَرِب۩
Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh]
Surah Al-Alaq, Verse 19