Surah Al-Alaq - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ
Ipahayag!SaNgalanngiyongPanginoonatTagapagtaguyod na lumikha sa lahat ng bagay
Surah Al-Alaq, Verse 1
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِنۡ عَلَقٍ
Na lumikha sa tao mula sa namuong patak ng dugo
Surah Al-Alaq, Verse 2
ٱقۡرَأۡ وَرَبُّكَ ٱلۡأَكۡرَمُ
Ipahayag! Ang iyong Panginoon ang Pinakamapagbigay
Surah Al-Alaq, Verse 3
ٱلَّذِي عَلَّمَ بِٱلۡقَلَمِ
Na nagturo sa tao (ng pagsulat) sa pamamagitan ng panulat (ang unang tao na sumulat ay si Propeta Idris [Enoch)
Surah Al-Alaq, Verse 4
عَلَّمَ ٱلۡإِنسَٰنَ مَا لَمۡ يَعۡلَمۡ
Na nagturo sa tao ng hindi niya nalalaman
Surah Al-Alaq, Verse 5
كَلَّآ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَيَطۡغَىٰٓ
Hindi! Katotohanan, ang tao ay lumabag sa lahat ng hangganan (ng pagsuway, kawalan ng pananalig at kasamaan, atbp)
Surah Al-Alaq, Verse 6
أَن رَّءَاهُ ٱسۡتَغۡنَىٰٓ
Sapagkat itinuturing niya ang kanyang sarili na may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anumang tulong)
Surah Al-Alaq, Verse 7
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلرُّجۡعَىٰٓ
Katiyakan! Sa iyong Panginoon ang pagbabalik (ng lahat)
Surah Al-Alaq, Verse 8
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يَنۡهَىٰ
Nakikita mo ba (o Muhammad) siya na humahadlang (alalaong baga, si Abu Jahl)
Surah Al-Alaq, Verse 9
عَبۡدًا إِذَا صَلَّىٰٓ
Sa isang alipin (Muhammad) kung siya ay nananalangin
Surah Al-Alaq, Verse 10
أَرَءَيۡتَ إِن كَانَ عَلَى ٱلۡهُدَىٰٓ
Sabihin mo sa akin, kung siya (Muhammad) ay nasa patnubay (ni Allah)
Surah Al-Alaq, Verse 11
أَوۡ أَمَرَ بِٱلتَّقۡوَىٰٓ
o nagtatagubilin sa kabanalan
Surah Al-Alaq, Verse 12
أَرَءَيۡتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰٓ
Sabihin mo sa akin kung siya (na walang pananalig, si Abu Jahl) ay nagtatatwa (sa Katotohanan, alalaong baga sa Qur’an), at tumatalikod
Surah Al-Alaq, Verse 13
أَلَمۡ يَعۡلَم بِأَنَّ ٱللَّهَ يَرَىٰ
Hindi baga niya nababatid na si Allah ang nakakamasid (ng kanyang ginagawa)
Surah Al-Alaq, Verse 14
كَلَّا لَئِن لَّمۡ يَنتَهِ لَنَسۡفَعَۢا بِٱلنَّاصِيَةِ
Hindi! Kung siya (Abu Jahl) ay hindi titigil, Aming kakaladkarin siya sa kanyang buhok na nakalawit sa noo
Surah Al-Alaq, Verse 15
نَاصِيَةٖ كَٰذِبَةٍ خَاطِئَةٖ
Isang nagsisinungaling at makasalanang buhok na nakalawit sa noo
Surah Al-Alaq, Verse 16
فَلۡيَدۡعُ نَادِيَهُۥ
At hayaan siyang tumawag (ng tulong) sa lipon (ng kanyang mga kapanalig)
Surah Al-Alaq, Verse 17
سَنَدۡعُ ٱلزَّبَانِيَةَ
Tatawagin Namin ang mga tagapagbantay ng Impiyerno (anghel ng kaparusahan upang harapin siya)
Surah Al-Alaq, Verse 18
كَلَّا لَا تُطِعۡهُ وَٱسۡجُدۡۤ وَٱقۡتَرِب۩
Hindi! (O Muhammad)! Huwag mo siyang sundin (Abu Jahl), bagkus ay magpatirapa ka at lumapit kay Allah
Surah Al-Alaq, Verse 19