Surah Al-Qadr - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةِ ٱلۡقَدۡرِ
Katotohanang Aming ipinanaog ang Kapahayagan (ang Qur’an) sa Gabi ng Al-Qadr (Kautusan o Kapangyarihan)
Surah Al-Qadr, Verse 1
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ
At ano ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang Gabi ng Kautusan o Kapangyarihan
Surah Al-Qadr, Verse 2
لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ خَيۡرٞ مِّنۡ أَلۡفِ شَهۡرٖ
Ang Gabi ng Al- Qadr (Kautusan o Kapangyarihan) ay higit na mainam sa isang libong buwan (alalaong baga, ang pagsamba kay Allah sa Gabing ito ay higit na mainam kaysa sa pagsamba sa Kanya sa isang libong buwan o 83 taon at 4 na buwan)
Surah Al-Qadr, Verse 3
تَنَزَّلُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِم مِّن كُلِّ أَمۡرٖ
dito ay bumababa ang mga anghel at ruh (Gabriel) sa kapahintulutan ni Allah na may lahat ng Pag- uutos
Surah Al-Qadr, Verse 4
سَلَٰمٌ هِيَ حَتَّىٰ مَطۡلَعِ ٱلۡفَجۡرِ
Kapayapaan! (Sa buong Gabing ito ay mayroong Kapayapaan at Kabutihan mula kay Allah sa Kanyang nananampalatayang mga alipin), hanggang sa pagdatal ng bukang liwayway
Surah Al-Qadr, Verse 5