Surah Ad-Dhuha - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
وَٱلضُّحَىٰ
Sa pamamagitan ng katanghalian (matapos ang maluwalhating sikat ng umaga)
Surah Ad-Dhuha, Verse 1
وَٱلَّيۡلِ إِذَا سَجَىٰ
At sa pamamagitan ng Gabi kung ito ay pusikit
Surah Ad-Dhuha, Verse 2
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ
Ang iyong Panginoon (o Muhammad) ay hindi tumalikod sa iyo o namuhi sa iyo
Surah Ad-Dhuha, Verse 3
وَلَلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لَّكَ مِنَ ٱلۡأُولَىٰ
At katotohanan, ang Kabilang Buhay ay higit na mainam sa iyo kaysa sa kasalukuyang buhay (ng mundong ito)
Surah Ad-Dhuha, Verse 4
وَلَسَوۡفَ يُعۡطِيكَ رَبُّكَ فَتَرۡضَىٰٓ
At katotohanan, ang iyong Panginoon ay magkakaloob sa iyo (ng lahat ng mabuti), upang ikaw ay lubos na masiyahan
Surah Ad-Dhuha, Verse 5
أَلَمۡ يَجِدۡكَ يَتِيمٗا فَـَٔاوَىٰ
Hindi baga ikaw (O Muhammad) ay natagpuan Niya na isang ulila at ikaw ay pinagkalooban Niya ng masisilungan
Surah Ad-Dhuha, Verse 6
وَوَجَدَكَ ضَآلّٗا فَهَدَىٰ
At Kanyang natagpuan na ikaw ay walang kamuwangan (sa Qur’an, sa mga legal na batas nito, sa pagka-propeta, atbp.) at ikaw ay ginawaran Niya ng patnubay
Surah Ad-Dhuha, Verse 7
وَوَجَدَكَ عَآئِلٗا فَأَغۡنَىٰ
At Kanyang namasdan na ikaw ay nangangailangan at ikaw ay ginawa Niyang maalwan (may sariling kasapatan at nasisiyahan, atbp)
Surah Ad-Dhuha, Verse 8
فَأَمَّا ٱلۡيَتِيمَ فَلَا تَقۡهَرۡ
Kaya’t huwag mong ituring ang ulila ng may pang-aapi
Surah Ad-Dhuha, Verse 9
وَأَمَّا ٱلسَّآئِلَ فَلَا تَنۡهَرۡ
At huwag mong talikdan ang humihingi
Surah Ad-Dhuha, Verse 10
وَأَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثۡ
At ipagbunyi mo ang Kasaganaan ng iyong Panginoon (alalaong baga, ang pagka-Propeta at lahat ng iba pang Biyaya)
Surah Ad-Dhuha, Verse 11