Surah Ad-Dhuha - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلضُّحَىٰ
Sumpa man sa umaga
Surah Ad-Dhuha, Verse 1
وَٱلَّيۡلِ إِذَا سَجَىٰ
sumpa man sa gabi kapag bumalot ito
Surah Ad-Dhuha, Verse 2
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ
hindi nang-iwan sa iyo ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam
Surah Ad-Dhuha, Verse 3
وَلَلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لَّكَ مِنَ ٱلۡأُولَىٰ
Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay
Surah Ad-Dhuha, Verse 4
وَلَسَوۡفَ يُعۡطِيكَ رَبُّكَ فَتَرۡضَىٰٓ
Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka
Surah Ad-Dhuha, Verse 5
أَلَمۡ يَجِدۡكَ يَتِيمٗا فَـَٔاوَىٰ
Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo
Surah Ad-Dhuha, Verse 6
وَوَجَدَكَ ضَآلّٗا فَهَدَىٰ
Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya
Surah Ad-Dhuha, Verse 7
وَوَجَدَكَ عَآئِلٗا فَأَغۡنَىٰ
Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya
Surah Ad-Dhuha, Verse 8
فَأَمَّا ٱلۡيَتِيمَ فَلَا تَقۡهَرۡ
Kaya tungkol naman sa ulila ay huwag kang maniil
Surah Ad-Dhuha, Verse 9
وَأَمَّا ٱلسَّآئِلَ فَلَا تَنۡهَرۡ
Tungkol naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy
Surah Ad-Dhuha, Verse 10
وَأَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثۡ
At tungkol naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsaysay ka
Surah Ad-Dhuha, Verse 11