Surah Al-Inshirah - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
أَلَمۡ نَشۡرَحۡ لَكَ صَدۡرَكَ
Hindi ba nagpaluwag Kami para sa iyo ng dibdib mo
Surah Al-Inshirah, Verse 1
وَوَضَعۡنَا عَنكَ وِزۡرَكَ
Nag-alis Kami palayo sa iyo ng pasanin mo
Surah Al-Inshirah, Verse 2
ٱلَّذِيٓ أَنقَضَ ظَهۡرَكَ
na nakabigat sa likod mo
Surah Al-Inshirah, Verse 3
وَرَفَعۡنَا لَكَ ذِكۡرَكَ
Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo
Surah Al-Inshirah, Verse 4
فَإِنَّ مَعَ ٱلۡعُسۡرِ يُسۡرًا
Kaya tunay na kasama sa hirap ay ginhawa
Surah Al-Inshirah, Verse 5
إِنَّ مَعَ ٱلۡعُسۡرِ يُسۡرٗا
Tunay na kasama sa hirap ay ginhawa
Surah Al-Inshirah, Verse 6
فَإِذَا فَرَغۡتَ فَٱنصَبۡ
Kaya kapag nakatapos ka [sa gawain] ay magpakapagal ka [sa pagsamba]
Surah Al-Inshirah, Verse 7
وَإِلَىٰ رَبِّكَ فَٱرۡغَب
at sa Panginoon mo ay magmithi ka
Surah Al-Inshirah, Verse 8