Surah Al-Inshirah - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
أَلَمۡ نَشۡرَحۡ لَكَ صَدۡرَكَ
Hindi baga Aming binuksan ang iyong dibdib para sa iyo (o Muhammad)
Surah Al-Inshirah, Verse 1
وَوَضَعۡنَا عَنكَ وِزۡرَكَ
At pinawi sa iyo ang pasan mong hirap
Surah Al-Inshirah, Verse 2
ٱلَّذِيٓ أَنقَضَ ظَهۡرَكَ
Na nagpapabigat sa iyong likuran
Surah Al-Inshirah, Verse 3
وَرَفَعۡنَا لَكَ ذِكۡرَكَ
At iniakyat nang mataas ang iyong kabantugan
Surah Al-Inshirah, Verse 4
فَإِنَّ مَعَ ٱلۡعُسۡرِ يُسۡرًا
Katotohanan! Sa bawat kahirapan ay may kaginhawan
Surah Al-Inshirah, Verse 5
إِنَّ مَعَ ٱلۡعُسۡرِ يُسۡرٗا
Katotohanan, sa kahirapan ay may kaginhawahan (alalaong baga, mayroong isang kahirapan sa dalawang ginhawa, kaya’t ang isang kahirapan ay hindi maaaring dumaig sa dalawang ginhawa)
Surah Al-Inshirah, Verse 6
فَإِذَا فَرَغۡتَ فَٱنصَبۡ
Kaya’t kung ikaw ay matapos na (sa iyong hanapbuhay o pinagkakaabalahan), kung gayon, ikaw ay tumindig sa pagsamba kay Allah (alalaong baga, ang tumindig sa pananalangin)
Surah Al-Inshirah, Verse 7
وَإِلَىٰ رَبِّكَ فَٱرۡغَب
At sa iyong Panginoon mo (lamang) 964 ibaling (ang lahat mong pansin at pag-asa) at iyong mga panikluhod
Surah Al-Inshirah, Verse 8